Friday, January 4, 2008

...continuation...


Wow! ayos s english noh?! Baka maubusan ako ng english, hirap na, tsaka isa pa nakaka- nose bleed, joke!.. Anyway, isa talaga kameng one big happy family, until may dumating na matinding trial sa buhay namen... College na'ko nung mangyari 'to, I was in third year, pero nag-stop na'ko after first sem, sad to say but, this was because of my cousin and her husband, from my father's side. Inipit nila kame sa pera, kaya pati tricycle namin naibenta. Nagkataon, nagbukas ng isang advertising business ang tita ko from my mother side kya that was my first job. At least may naitutulong ako s parents ko kahit papano.. There came to a point na nagkaroon ng confrontation between us and my cousin. K'se naman po nung siningil ng husband nya ang papa ko,nakainom, pero naibigay ko naman ung hinihingi niya.. Pati ako na tatahitahimik, na di nakikialam, eh nakipagsagutan na rin... Naaawa ako sa parents ko especially sa papa ko k'se of all people na tatrato sa'men ng ganon eh sarili pa nyang kamag-anak.. Kaya sabi ko sa sarili ko, magtatapos ako ng college para makapagtrabaho at mabayaran sila.. After a month, nakahanap si papa ng operator kaya nagmaneho na xa ulit ng tricycle, un nga lang tricycle ng iba.. Eto pa ang nakakainis, ang gusto nila gawing service ng mga anak nila si papa at walang bayad un, dahil ibabawas na lang sa atraso namen sa kanila.. Kung ganon din lang pala, sana di na nila pinilt na maibenta tricycle namen!! At ito pa, we lived in a compound k'se with our relatives from my father side at would you imagine living in a compound that no one wants to talk to you!! Ganon ang naging sistema kahit tumingin smen wala eh.. Para bang wala kmeng kapitbahay, takot k'se silang madamay dahil mapera ang nakabunggo namen at pera ang pinaiiral dun.. Sobrang nakakalungkot dahil naturingang kamag-anak eh ganon kme tratuhin.. To make this long story, short, nakaraos naman kame kahit ganon ang kalagayan namen. Dahil nga tulong-tulong kameng tatlo, hindi naging ganon kahirap ang sitwasyon namen...

No comments: